SiteSulit PH icon

SiteSulitPH

(Last updated November 12, 2026)

Privacy Policy.

Paano namin kinukuha, ginagamit at pinoprotektahan ang info mo, ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).

Sino kami

Ang SiteSulit PH ay website build at website care service para sa mga negosyo sa Pilipinas. Para sa kahit anong tanong tungkol sa privacy mo, mag-email sa [email protected] o i-message kami sa Messenger.

Anong info ang kinukuha namin

Sa Messenger lang namin kinukuha ang info mo, kapag ikaw mismo ang nag-message sa amin:

Pangalan mo at pangalan ng negosyo mo

Town o city ng negosyo, at ano ang binebenta o serbisyo ninyo

Kung ikaw ang owner o ang magde-decide para sa website

Mobile number mo

Logo, photos o link ng Facebook Page na ipapadala mo

Ang website na ito

Walang form o account sa website na ito. Hindi kami gumagamit ng tracking o advertising cookies dito. Ang hosting provider namin ay may basic server logs (tulad ng IP address at browser) para sa security ng website. Kapag pinindot mo ang Messenger o Facebook links, mapupunta ka sa Meta at ang privacy policy nila ang susundin doon.

Bakit namin ito kinukuha

Para magawa ang free website build mo

Para ma-contact ka namin tungkol sa website mo (Messenger, tawag o text)

Para mapatakbo at ma-maintain ang website mo kung i-live mo ito

Saan ito naka-store

Naka-store ang info mo sa Messenger (Meta), sa Messenger chatbot tool namin (SendPulse) at sa private na listahan ng leads namin (Google Sheets). Kami lang ang may access dito.

Hindi namin ibinibigay sa iba

Hindi namin ibinebenta o ibinibigay ang info mo sa kahit sino. Ang logo at photos mo ay ginagamit lang sa website mo. Hindi namin ito ipapakita sa ads o posts namin nang walang written na pahintulot mo.

Gaano katagal namin itinatago

Itinatago lang namin ang info mo habang kailangan pa para sa website mo. Pwede mong ipa-delete ito anytime, kahit hindi mo itinuloy ang website.

Ang karapatan mo

Sa ilalim ng Data Privacy Act, may karapatan kang malaman kung anong info mo ang hawak namin, ipa-correct ito, ipa-delete ito, at tumutol sa paggamit nito. Mag-email lang sa [email protected] o i-message kami. Pwede ka ring mag-reklamo sa National Privacy Commission (privacy.gov.ph).

Pagbabago sa policy na ito

Kung may babaguhin kami dito, ia-update namin ang page na ito at ang petsa sa itaas.

(Free to ask · 8am to 8pm)

May tanong ka pa? Message us.

Message Us

[email protected]

facebook.com/sitesulitph

Leyte · Cebu · Buong Pilipinas