(Last updated November 12, 2026)
Terms.
Simple lang: ano ang libre, ano ang binabayaran, at kanino ang domain.
Free Website Build
Libre ang design at build ng website mo. Makikita mo ito sa isang preview link bago ka magbayad. Walang bayad kung hindi mo itutuloy.
May waiting list ang free builds at ginagawa namin in order. Para sa mga ready mag-invest sa domain at hosting kapag gusto na nilang i-live ang website ang free build. Ang website ay nananatili sa preview link hangga't hindi pa bayad ang Go-Live Setup.
Go-Live Setup: ₱2,999 (one time)
Binabayaran bago i-live ang website. Kasama:
Domain registration sa pangalan mo, sa sarili mong account (unang taon)
Pag-live ng website sa sarili mong domain
Business email
Google Business Profile setup
Basic SEO setup
Monthly Care: ₱999 per month
Parang wifi plan. Kasama ang hosting, SSL security, updates, maintenance, basic SEO at Google Business Profile management. Ang monthly due date ay ang araw na na-live ang website mo.
Ang maliliit na pagbabago (text, presyo, photos) ay kasama na. Ang malaking dagdag na trabaho, tulad ng bagong features, ay pag-uusapan muna at sasabihin namin ang presyo bago gawin.
Kanino ang domain
Sa iyo ang domain. Naka-register ito sa pangalan mo, sa sarili mong account. Simula year 2, ikaw ang magre-renew ng domain (yearly). Habang naka-Monthly Care ka, kami ang nag-aasikaso ng technical setup nito.
Bayad
GCash, Maya o bank transfer. "SiteSulit PH" ang nakalagay sa resibo.
Kapag na-late ang bayad
Day 1: friendly reminder
Day 7: second reminder, kasama ang petsa ng pag-pause
Day 14: ipo-pause ang website (maintenance page muna)
Day 60: buburahin ang backup ng website
Sa iyo pa rin ang domain mo kahit ma-pause o mabura ang website
Kung ayaw mo na ituloy
Message mo lang kami. Kapag tumigil ang Monthly Care, ipo-pause ang website. Sa iyo pa rin ang domain mo.
Content mo
Siguraduhin mo na may karapatan kang gamitin ang logo, photos at text na ipapadala mo sa amin.
Pagbabago sa presyo o terms
Kung magbabago ang presyo o ang terms na ito, sasabihan ka muna namin bago ito mag-apply sa iyo.