SiteSulit PH icon

SiteSulitPH

Blog · November 13, 2026 · 4 min read · By SiteSulit PH

Magkano magpagawa ng website sa Pilipinas? (2026)

2026 Prices

Developer, designer, hosting, domain at maintenance: ano ang usual na presyo, at bakit iba ang ₱999/month.

???

May Sources

(01)Free Website Build

(02)Hosting, Care And Google Profile

(03)₱999 / Month, Kami Ang Bahala

Quick Answer

(Sa madaling salita)

Hiwa-hiwalay ang usual na gastos: developer, designer, hosting, domain at maintenance.

Itanong lagi kung kanino naka-pangalan ang domain at sino ang mag-me-maintain.

Sa SiteSulit PH: ₱0 ang design at build, ₱2,999 one time para mag-live, ₱999/month pagkatapos.

Ito ang unang tanong ng halos lahat ng may-ari ng negosyo: magkano ba talaga magpagawa ng website? Ang sagot ay depende sa kung sino ang gagawa at ano ang kasama. Pero may usual na presyo, at ilalatag namin dito para alam mo ang binabayaran mo.

(01)

Usual na presyo ng website sa Pilipinas (2026)

Hindi iisang bayad ang website. Kadalasan, hiwa-hiwalay ito:

Developer

₱15,000 to ₱60,000

Designer

about ₱200 per hour

Hosting

₱109 to ₱179 per month

Domain (.com)

₱500 to ₱1,000 per year

Security and maintenance

₱1,000 to ₱15,000 per month

Base ito sa 2026 Philippine price guides: seo.com.ph, Payscale, HostScore, WHTop, WebEasyPH. Rough estimate lang ito. Mag-iiba depende sa laki ng website at sa gagawa.

(02)

Bakit ganoon kalaki ang range?

Freelancer o agency. Mas mura ang freelancer, pero ikaw ang maghahanap ng hosting, domain at mag-aasikaso pagkatapos. Mas mahal ang agency dahil team ang gagawa at mas malaki ang proyekto.

Ilang pages at anong features. Iba ang simpleng website na may menu, presyo at contact sa website na may online store, booking o login.

Sino ang mag-me-maintain. Ito ang madalas makalimutan. Kailangan ng website ng updates, security at backup buwan-buwan. Kung walang gagawa nito, masisira o maha-hack ang website sa katagalan.

(03)

Ang mga gastos na madalas hindi nababanggit

Bago ka pumirma, itanong mo ito:

Kanino naka-pangalan ang domain?

Dapat sa iyo

Magkano ang hosting kada taon?

Itanong ang renewal price

Sino ang mag-u-update ng presyo at photos?

Itanong kung may bayad

May bayad ba ang maliit na pagbabago?

Madalas meron

Ano ang mangyayari kung titigil ka?

Dapat sa iyo pa rin ang domain

(04)

Paano kung ayaw mong gumastos ng malaki agad?

Dito kami naiiba. Sa SiteSulit PH, hindi ka magbabayad ng malaking project fee. Ganito ang presyo:

Design at build ng website

₱0

Go-Live Setup (one time, kasama ang 2 taon ng domain)

₱2,999

Monthly Care (hosting, security, updates, basic SEO, Google Business Profile)

₱999/month

Gagawin muna namin ang website mo. Makikita mo ito sa isang preview link. Magbabayad ka lang kung gusto mo na itong i-live sa sarili mong domain. Nasa Pricing page ang buong detalye.

(05)

Alin ang bagay sa negosyo mo?

Kung kailangan mo ng malaking custom system, tulad ng online store na may libo-libong produkto, mas bagay ang agency. Kung ang kailangan mo ay malinis na website na may menu o services, presyo, location at Messenger button, at ayaw mong ikaw ang mag-asikaso ng technical, bagay sa iyo ang monthly plan.

Gusto mong makita muna?

Libre ang design at build. I-message mo lang kami ng pangalan ng negosyo mo at kung saan kayo.

Free Website Build ✦ Makikita Mo Muna ✦ Free Website Build ✦ Makikita Mo Muna ✦ Free Website Build ✦ Makikita Mo Muna ✦ Free Website Build ✦ Makikita Mo Muna ✦ 

(Free to ask · 8am to 8pm)

Tara, usap tayo.

Message Us

[email protected]

facebook.com/sitesulitph

Leyte · Cebu · Buong Pilipinas

SiteSulit PHSample chatHi! Magkano po magpagawa ng website?Hello po! Libre ang design at build. Makikita mo muna bago ka magbayad.Talaga? Sige po, try natin.Send lang po ng business name at logo. Kami na ang bahala.